KRIMEN
Ang krimen ay isang napakasamang gawain na tinatawag na sala. Ito ay gawain na mapaparusahan ng batas dahil ito ay hindi paggalang sa karapatan ng isang tao. Ang maaaring parusa dito ay pagkulong ng mahabang panahon o pagbabayad ng multa.
Ang krimen sa bansa ay malaking problema dahil patuloy itong dumadami. Bakit nga ba nila ito ginagawa? Ayon sa mga pulis maraming kadahilanan kung bakit ginagawa ito ng isang tao. Sabi nga wag muna natin husgahan ang mga ito hindi natin alam kaya nila ito ginagawa dahil may dahilan sila. Ang kahirapan at pagtaas ng populasyon ay nangunguna sa kadahilanan kung bakit may nangyayaring krimen. Mababawasan lang ang krimen sa bansa kung uunlad ang bansa at mabibigyan ng trabaho ang bawat isa upang mamuhay ng masagana.
Ang Pilipinas ay kulang sa seguridad ng nakaraang taon kumpara ngayon na si Pangulong Duterte na namumuno. Kaya tumitindi ang mga kaso sa bansa dahil hindi masyado tinutuan ng pansin. Hindi natatakot dati ang mga tao sa paggawa ng masama pagkukulong lang at multa ang kabayaran hindi tulad ngayon na may pag patay na. Pinagtuonan ni Pangulong Duterte ang mga krimen na nalalaganap sa bansa.
Ayon sa PNP ang bilang ng krimen sa Metro Manila ay bumaba ng 60% kumpara sa nakaraan taon. Naobserbahan ko rin na bumaba ito ng pinamunuan ni Pangulong Duterte. Mas maunti ang krimen na nangyayari malayo sa kamaynilaan dahil ditto tahimik at hindi masyadong maraming populasyon.
Ang krimen ay problema ng bansa kaya dapat agad itong lutasin upang hindi humina ang ekonomiya ng Pilipinas. Ang bawat tao dapat ay may sapat na pagiisip at maging alerto palagi sa mga nangyayari. Wag magpaloko para walang naloloko. Ang Pilipinas dapat ay may sapat na pondo para sa mga pulis dahil sila ang tumutulong upang maprotektahan tayo sa mga kriminalidad. Upang mabawasan rin ang mga krimen ay sana mabigyan pagkakataon ang lahat na makapagaral upang magkaroon ng sapat na pagiisip at maiwasan ang krimen. Tulongan natin umahon ang mahihirap at laging sundin ang mga batas.